Planning Module
Written Narratives
1. Plan Training Session
1.1 Trainees’ Characteristics
Bago ka mag-umpisang magsulat ng iyong session plan, alamin mo ang mga katangian ng iyong mga trainees. Tingnan mo ang mga sumusunod:
- Language – ano ba ang language na ginagamit nya, English ba, Tagalog ba, Visaya ba, o ano? Kasi, kung halimbawa, may kahinaan siya sa English, gamitin mo ang salita na kung saan madali ka niyang maintindihan.
- Literacy – Alamin mo ang kakayahan niyang magbasa. Kung nakakabasa naman siya, at naintindihan nya ang kanyang binabasa, walang problema.
- Numeracy – Alamin mo rin kung ano ang kaalaman niya sa pagbilang, o pag-compute.
- Cultural Background – Muslim ba siya o katutubo na may kakaibang pag-uugali. Halimbawa, kung muslim ka at nagtuturo ka ng Cookery, iwasan mong maghain ng baboy sa iyong iluluto.
- Education – alamin mo kung anong antas ng pag-aaral ag kanyang nakamit
- General Knowledge – Alamin mo kung ang trainees ay may kaalaman patungkol sa pangkaraniwang information na alam ng publiko anumang natapos o karanasan niya.
- Gender – Babae ba siya o lalake. Maaring mahalaga ito upang maiplano mo ang learning activities. Halimbawa, mga learning activities na hiwalay ang lalaki sa babae.
- Age – Ang edad ng trainees ay dapat alamin mo rin.
- Physical ability – Alamin kung ang trainees mo ay malusog ba o may kapansanan na maaring makaapekto sa performance niya bilang trainee.
1.2 Training Needs
Ikumpara mo ang kasalukuyang kaalaman ng trainee, kung merun man, sa mga competency units at learning outcomes na siyang laman ng Course na ituturo mo ayon sa Training Regulations. Anuman ang sabihin ng trainee na alam na niya, tiyakin mo na talagang alam na niya at hindi na kelangang isama pa sa ituturo. Halimbawa, humingi ka ng certification, o di kaya, ipa-demo mo sa kanya.
Kung matiyak mo na ang hindi pa alam ng trainee sa mga competency units at learning outcomes, yan ay ang mga Training Gaps, or mga Training Needs. Ang mga ito ay ang isasama mo sa iyong ituturo.
2. Sources Related to Above Topics
May dalawang pre-assessment tools ang binibigay bago ang training. Una, ang Data Gathering Questionnaire. Dito hinahango ang mga katangian ng trainee. Pangalawa, ang Self-Assessment Check. Dito naman malalaman kung anu-anong units of competency at learning outcomes ang pagka-alam ng trainee na alam na nya at ang hindi pa. Ang competency units at learning outcomes na sinabi ng trainee ay alam na niya, kelangang i-validate ito kung totoo nga. Maari siyang humingi ng patunay, halimbawa certification o performance records. Pwede niyang interviewhin ang trainee, o di kaya pag-demohin niya ito.
Pagkatapos, ilalagay ng trainer sa kaukulang form ang findings niya. Ang unang form ay ang Evidence of Current Competencies. Dito ilalagay ang napatunayan ng trainer na alam na nga ng trainer after ng validation. Kung wala pang alam ang trainee, isulat niya ito na wala pang alam ang trainee.
Ang kasunod na form ay ang Summary of Current and Required Competencies. May tatlong columns ito: First Column, Required Competencies with their learning outcomes, ito yung nakasaad sa Training Regulations. Second Column, Current Competencies, ito yung mga napatunayang alam na ng trainee. At ang Third Column, Training Gaps, ito yung mga competency units at learning outcomes na hindi pa alam ng trainee.
Ang Training Needs ay ang kasunod na form. Dito nakalagay yung mga competency units at learning outcomes na dapat kasama sa training contents.
3. Session Plan Components
Ang unang bahagi ng Session Plan ay ang pagsulat kung anong industry sector napabilang ang Qualification Title ng trainee. Makikita ang industry sector sa cover page ng Training Regulations ng Qualification Title ng trainee. Ang Training Regulations ay mada-download sa www.tesda.gov.ph.
Ang kasunod ay ang Unit of Competency. Ito ang pangalan ng Unit of Competency na gagawan mo ng Session Plan. Ang kasunod ng Unit of Competency ay ang Module Title. Ang Module Title ay ang Unit of Competency din yan, lamang, merun lang itong –ing sa dulo. Gerund ang tawag diyan.
Ang kasunod ay ang Learning Outcomes. Enumeration ito ng mga learning outcomes ng Unit of Competency na nabanggit. Nasa TR din ang mga ito.
Ang kasunod ay ang Introduction. Ito ay ang laman ng Unit Descriptor ng Unit of Competency mo. Makikita ito sa TR ng Qualification Title mo. I-copy-paste mo lang.
Ang kasunod ay ang Learning Activities. Nakasulat dito ang mga training activities na gagawin bawat learning outcome. Ang mga sumusunod ay ang mga gagawin:
a. Learning Content
You can derive the learning content from your TR. Tingnan mo ang Performance Criteria ng Unit of Competency mo, then go to the Element. Ang Element ay Learning Outcome yan. Wagmu i-copy-paste yan. Ang gagawin mo, figure out ang learning content as suggested by the Element/Learning Outcome. Halimbawa, ang isa sa mga Performance Criteria ng Element/Learning Outcome ng Unit of Competency ng Bread and Pastry Production NC II ay “Required ingredients are selected, measured and weighed according to recipe or production requirements and established standards and procedures”. Performance Criteria are written in passive voice, kaya ang bungad ay noun or noun phrase. Tatlong learning contents ang pwede mo i-derive sa performance criteria na ito: ‘selection of ingredients’; ‘measuring of ingredients’; at ang ‘weighing of ingredients’. Wagmu isama-sama ang ‘selection’, ‘measuring’, at ang ‘ weighing’, at bawat isa ay magkaiba. At wagmu nang pansinin ang qualifying phrase na usually nag-start sa salitang ‘according’. Appropriate lang yan sa performance criteria. Hindi kelangan yan sa learning content.
b. Methods
Ang Methods naman ay diyan mo isusulat kung anu-ano ang mga pamamaraan na gagamitin mo sa pagturo sa learning content. Ang mga pamamaraan na ito ay ang mga sumusunod:
b.1 Independent Study, or Self-Check
Ang Independent Study, or Self-Check ay isang training method kung saan mag-aral ka na ikaw lang. Ang paraan ng iyong pag-aaral ay ang pagbabasa.
TO BE CONTINUED…
b.2 Lecture/Discussion
dito nagle-lecture ang trainer
b.2 demonstration
dito ang mga trainees ay ipinakikita sa pamamagitan ng aktwal na pag-gawa
c. Presentation
Ang presentation ay depende kung anong method ang ginagamit ng trainer. Halimbawa, ang modular, self-paced learning, ang presentation ay sa pamamagitan ng ‘Information Sheet’. Kung ‘ lecture’, ang presentation ay ‘discussion’. Kung ‘demonstration’ naman, ang presentation ay ‘demonstrate…..’ Ang i-demonstrate ay yung ‘learning content’.
d. Practice
Ang ‘practice’ ay ukol sa gagawin ng trainees para matiyak na naintindihan nila ang presentation. Halimbawa, ang practice ng ‘modular, self-paced learning’ ay ang ‘Self-Check’. Ito ay mga tanong na hango sa ‘Information Sheet’. Ang ‘self-check’ ay dapat at least 3 question types, at bawat type, at least 5 questions. Ang mga question types ay ito: Gap Fill or Filling the Blanks, Identification, Enumeration, True or False, Matching Type. Kung lecture, malalaman ng trainer kung naintindihan ng trainees sa pamamagitan ng pagtatanong ng trainer sa kanila. Kung demonstration naman, ang practice ay sa pamamagitan ng pag-gawa ng ‘Task Sheet’ or ‘Job Sheet’.
e. Feedback
Ang ‘feedback’ ay ang pag-aalam kung tama ba ang ginawang practice ng trainees. Kung ang presentation ay modular, self-paced, ang feedback ay ‘compare answers to in self-check to answer key. Kung lecture naman, malalaman ng trainer na naintindihan ng mga trainees ang lecture nito sa pamamagitan ng asking questions and discussion. Kung demonstration naman, malalaman na wasto ang demonstration sa pamamagitan ng pagkumpara sa ‘Task Sheet’ or ‘Job Sheet’ sa ‘Performance Criteria Checklist’.
f. Resources
Resources ay yung mga ginamit mo sa pag-deliver sa method mo. Halimbawa, sa ‘modular, self-paced learning’. Ang ginagamit mo ay ang CBLM ng qualification title mo. Sa ‘lecture’, laptop, LCD projector. Sa ‘demonstration’, ang mga equipment, tools, and materials na ginamit mo.
g. Time
Ang ‘time’ ay kung ilang minuto o oras ang pag-deliver mo sa method.
Assessment Plan
Pagkatapos mong maisulat ang panghuling learning outcome, ang kasunod ay ang Assessment Plan. Dito mo isusulat kung anu-anong assessment instrument ang gagamitin mo. Tatlo lang naman ang laging ginagamit dito: Written Test; Performance Test; Oral Questioning.
Sa ilalim ng bawat assessment instrument, isulat mo kung anu-anong learning outcome ang pag-gagamitan mo nito.
Teacher’s Reflection
Ito ang panghuling bahagi ng Session Plan. Dito mo isulat ang anumang idea pumasok sa kaisipan mo habang ginagawa mo habang ginagawa mo ang session plan o habang tinuturo mo ito. Halimbawa, may naisip kang idagdag sa session plan, ano yun, at bakit.
4. Factors to Consider in Choosing Methods
Sa pagpili ng training methods, ang mga sumusunod ay ang basehan:
- learning outcomes/objectives
Basahin mo ang learning outcome. Dun ma-figure out mo kung anong naaangkop na methods na gagamitin.
- trainer
Ang pagpili ng method ay maari ding depende sa trainer. Maaring may favorite method siya, o maari ding ayaw nya nang mag-isip pa ng ibang method.
- content
Ang content na tatalakayin mo ay maari ding magbigay ng ideya kung ano ang method na gagamitin.
- participants
Ang composition ng mga trainees mo ay maari ding magbigay sayo ng ideya kung anong method ang gagamitin.
- training techniques
Ang training techniques na gagamitin ng trainer ay ang siyang magsasabi kung anong method ang naangkop.
- time
Ang training duration ay kino-consider din kung anong method ang gagamitin.
- cost
Ang method ay depende din sa cost na kelangan.
- space
Ang lawak na pagdadausan ng training ay tinitingnan din sa pagpili kung anong method ang gagamitin.
- equipment and materials
Ang kinakailangang equipment at materials na gagamitin sa training ay kino-consider din kung anong methods ang i-apply.
5. How did you organize your learning events?
Ang learning event ay synonymous yan sa learning activity. Ang learning activity ay kung saan ginaganap ang pag-aaral. Maaring ito ay ginaganap sa classroom o sa workshop. Ang mga sumusunod ay ang pamamaraan pag-organize ng learning event o learning activity:
- gain attention
Kunin mo ang attention ng mga trainees at ituon sayo na trainer nila. Tawagin mo ang pansin nila upang sayo i-focus ang mga mata nila, at makinig sayo.
- inform learners of objectives
Pagkatapos mo makuha ang attention nila, talakayin mo ang mga objectives at ipaliwanag mo ito sa kanila.
- stimulate recall of prior knowledge
Pagkatapos mong ma-discuss ang objectives ng training, tanungin mo ang trainees kung merun silang maalala ng kapareho ng na-discuss sa nakaraan nila.
- present the material
Pagkatapos ng tanungan sa prior knowledge ng trainees, umpisahan mo nang talakayin ang laman ng iyong training na nakalaan sa araw na yan.
- provide guidance for learning
Gabayan mo ang mga trainees sa kanilang pag-aaral.
- elicit performance
I-enganyo mo silang magsalita o sumali sa mga discussion.
- provide feedback
Magbigay ng tugon kung ano ang masasabi nya sa kanyang nakita o narinig sa trainee.
- assess performance
Kung may ipapakita ang trainees upang masukat ang kaalaman na nito, tatantiyahin ng trainees kung alam na nga ito ng trainees.
- enhance retention and transfer
Papalawigin pa ng trainer ang natutunan ng mga trainees.
6. What assessment method did you choose for the particular session plan? Do you think you made a good choice? Explain.
- written test
- demonstration or practical test
The ‘written test’ measures the knowledge achieved. The ‘demonstration’ or ‘practical test’ measures the ‘skill’ or ‘competency’.
Ang written test ay ginagamit upang masukat ang kaalaman. Ang demonstration or practical test ay ginagamit upang masukat ang kasanayan.
7. When preparing the assessment tools how do you consider ‘validity’ and ‘cost effectiveness’?
In order to determine if an assessment tool is appropriate:
- the questions are appropriatedirections are clear
- directions are clear
- the vocabulary and sentences are comprehensible
- The degree of difficulty and length of the test is sufficient
- The ‘assessment tool’ is inexpensive
Ang assessment tool ay masasabing tumutugon o tumutugma sa ibig sukatin (it measures what it is supposed to measure) nito kung:
- Ang tanong ay angkop
- Ang direksyon ay maliwanag
- Ang mga salita at pangungusap na ginagamit ay madaling maiintindihan
- Ang hirap at haba ng pagsusulit ay sapat o tama lang
- Ang ‘assessment tool’ ay hindi naman kamahalan
8. Why was it necessary to prepare a ‘table of specifications’ when you prepare your written test?
8.1 The ‘table of specifications’ helps the trainer plan determine how many test questions are necessary to cover the ‘training contents and the learning outcomes that have to be measured.
Ang ‘table of specifications’ ay tumutukoy kung ilan ang mga katanungan na ilakip sa training contents at learning outcomes na susukatin.
9. Describe at least two adult learning principles that are always in your mind when you are preparing a session plan?
- variety of methods
- repetition
Para sa mga adult learners, kelangan nila ang ibat-ibang pamamaraan sa pagtuturo upang maintindihan nila ng lubos ang aralin. Maliban dito, kelangan din ang paulit-ulit na pagtuturo sa kanila.