Facilitating Module

FACILITATING NARRATIVES

FACILITATING TRAINING SESSION 

1. Enumerate the activities the trainer does before the arrival of the learners.

  • prepare training facilities
    • set up learning stations
    • set up tools and equipment

NOTES:

Ang trainer ay dapat maunang dumating sa Training Venue bago ang mga trainees. Ito ay upang maihanda niya ang mga gagamitin sa training session sa araw na yun. Pagkatapos, i-set up nyo ang mga learning stations na gagamitin din sa araw na yun. Pagkatapos ng learning stations, ang susunod na isi-set up nya ay mga tools at equipment na gagamitin din sa araw na yun.

2. Enumerate the events that happened in this particular session. Make your list as a series of teacher and student activities. Do not elaborate on the content of the lesson. Based on these events, was your lesson teacher centered or student centered? Provide a reason for your answer.

I will have the learners accomplish the ‘pre-assessment tools’ to:

  1. determine the learning styles to use as basis to decide which ‘training method’ to apply
  2. distribute the CBLM based on their training needs
  3. in the duration of the learners’ training, they study on ‘self-paced’ and ‘individualized’
  4. respond immediately to their questions
  5. have active discussion and demonstration to learners
  6. all learning activities are learner-centered focused on the achievement of desired competencies

NOTES:

Ang unang gagawin ng trainer pagdating ng mga trainees ay bibigyan nya ang mga ito ng dalawang ‘pre-assessment tools’. Ang una niyang ibigay ay ang ‘Data-Gathering Questionnaire’. Ito ay para malalaman niya ang personal information tungkol sa bawat trainee. Dito niya malalaman kung merun ba siyang dapat i-adjust sa kanyang training plan dahil sa personal information tungkol sa trainees.

Ang pangalawang ‘pre-assessment tool’ na ibibigay ng trainer sa mga trainees ay ang ‘Self-Assessment Check’. Dito nya malalaman kung may alam ba ang trainees sa mga learning outcomes na nakatakdang ituturo niya. Kung ang learning activity ay ang pagbabasa ng Information Sheet, ibibigay naman ng trainer ang CBLM sa mga trainees. Dahil ito ay ‘self-paced’ at ‘individualized’, hindi sabay-sabay matatapos ang mga trainees. Kung may mga katanungan ang mga trainees, daglian itong sasagutin ng trainer.

Kung may mga discussion, siguraduhin ng trainer na ang lahat ng trainees ay nagpa-participate. Kung may mga demonstration na gagawin ang mga trainees, siguraduhin ng trainer na maayos at handa ang mga kagamitan.

Ang lahat ng mga ‘learning activities’ ay nakatuon sa pagkamit ng mg ninanais na matutunan ng mga trainees. Para mangyari ito, isa-isang tingnan ng trainer ang mga trainees. Ito ang tinatawag na ang training ay ‘learner-centered’.  

3. Evaluate your choice of learning material. State whether you like to change it or not to change it the next time you facilitate the lesson. Provide a reason for your action.

  • I give lectures followed by a ‘demonstration’
  • provide sufficient time for the learners to make their own demonstration

NOTES:

Kung magbibigay ka ng lecture, sundan mo ito ng demonstration kung ang subject matter ay ‘skills-based’, at hindi lang ‘knowledge’-based.’ Pagkatapos ng demonstration mo, bigyan mo nang panahon bawat-isa sa mga trainees na gumawa ng sarili nilang ‘domonstration’. Bigyan mo sila ng sapat na panahon upang gawin ito.

Suriin mo ang pinili at ginamit mong learning materials. Gagamitin mo pa ba muli ito sa susunod mong training; babaguhin mo, o palitan mo na ng tuluyan. At magbigay ka ng dahilan. 

4. Describe the type of questions you asked in this particular session. Why was it necessary to ask these questions?

  1. My questions are about:
  2. Task skills
  3. Task management skills
  4. Contingency management skills
  5. Job/environment skills

Notes:

Sa bawat session, bilang trainer, siguraduhin mo na ang mga tanong mo ay kasama ang lahat na apat na Dimensions of Skills Competency. Una ang ‘Task Skills’. Ito ay tungkol sa bawat kasanayan na nais makamit. Pangalawa, ang ‘Task Management Skills’. Ito naman ay ang kasanayan tungkol sa pag-o-organisa o pag-gawa ng pagkasunod-sunod ng mga ‘tasks’ na dapat gampanan. Pangatlo, ay ang ‘Contingency Management Skills’. Ito ay patungkol sa pagha-handle ng trainees sa mga hindi inaasahang pangyayari. Halimbawa, biglang nagkasunog sa workshop; hindi inaasahang pagkaubos ng gagamitin sana sa training; may biglaang personal emergency ang trainer, at hindi ito makakapasok sa susunod ng tatlong araw. At ang pang-apat, ay ang ‘Job/Environment Skills. Ito ay patungkol sa kasanayan ng trainees sa teamwork, policies, rules, and regulations, at sa mga bagay tungkol sa workplace.

5. How do you ensure participation from the students?

  • Connect what was learned from previous lessons to the lessons about to be learned so as to let the students the new lessons meaningful.

Notes:

Upang mapanatili ang interes ng trainees sa inyong tinatalakay, kelangan makita at malinaw sa kanila ang koneksiyon ng training activities sa kasalukuyan at ng mga inaral nila nung nakaraan.

6. What document do you use to help you manage the class activities? Describe the use of this document. Would you recommend other types of document that can be used to manage the class?

  • session plan

The session plan shows a variety of tasks, methods, techniques that can be used in facilitating learning.

  • progress chart

The progress chart shows the competencies and the progress of learners in achieving the competencies of the qualification.

  • achievement chart

The achievement chart shows the activities to perform in achieving competencies.

NOTES:

May mga documents na maari ninyong gamitin upang masusubaybayan ang takbo ng training. Una, ang ‘Session Plan’. Sa pamamagitan ng ‘session plan’, malalaman na ninyo kung ano ang natapos na na learning activities, saan learning activities na kayo, at kung ano pang mga learning activities ang hindi pa ninyo natalakay.

May dalawang charts na inyong makikita sa workshop o sa silid aralan. Ang mga ito ay ang ‘Progress Chart’ at ang ‘Achievement Chart’.

Ang ‘Progress Chart’ ay nagpapakita ng Competency Units at ng mga Learning Outcomes sa ilalim ng bawat isa nito. Kung natapos na ang isang Learning Outcome, markahan ito ng trainer. Nakasulat dito ang mga pangalan ng trainees, pangalan ng trainer, ang Course Title, at ang training duration.

Ang ‘Achievement Chart’ ay naglilista ng mga learning activities o mga outputs na kelangang tapusin bawat Learning Outcome. Ito ay ginagamit upang itala kung ano ang mga natapos ng bawat trainee bawat araw.

Isa rin sa mga monitoring tools ay ang Trainees Record Book (TRB). Ito naman ay ginagamit sa Supervised Industry Learning. Ito ay nagtatala kung ano ang mga natapos ng trainees bawat araw, at ito ay pinipirmahan ng industry supervisor.

7. Describe an adult learning principle you always have in mind when you are facilitating a session.

  • repetition
  • variety of methods

NOTES:

Kelangan mong tandaan ang mga adult learning principles. Kelangan mong gawin ito dahil ang mga trainees mo ay pawang adults, at walang bata. Dalawang principles na ito ay mahalaga: ang repetition, at ang variety of methods. Kelangan ng trainees na paulit-ulit na praktis upang maging sanay sila. At mapadali ang pagkatuto kung ang gagamitin ng pamamaraan ng pagtuturo ay iba-iba.

8. What assessment methods do you use in this particular session? Is there a need to make improvement on the tools? Why or why not?

  • I use the ‘demonstration’ or ‘practical test’ as method to measure competency. It is sufficient to determine if the learners have achieved the level of competency desired.

NOTES:

Tatlong pamamaraan ng assessment methods ang aking gagamitin sa session na ito. Una, ang written test upang masukat ang kaalaman ng mga trainees sa kanilang nababasa sa ‘Information Sheet’, o sa aking mga lectures. Pangalawa, ang demonstration upang malaman kung naabot ba nila ang layuning level of competency sa pamamagitan ng ‘demonstration’. At ang pangatlo, ay ang ‘oral questioning.’ May mga oral questions ako bilang trainer na sasagutin ‘orally’ ng bawat trainee.

9. How do you provide the feedback to your students? Is there a need to make improvement on your method? Why or why not?

  • Give ‘positive feedback’ first then ‘negative feedback’ next

NOTES:

Sa pagbibigay ng feedback sa performance ng trainee kelangan isa-isa, hindi magbibigay ng feedback sa mga trainees as a group, except lang kung ang mga feedback ay applicable sa lahat. Pero, as much as possible, ang feedback ay binibigay individually, and in private. Dalawang uri ang feedback:positive feedback at ang negative feedback. Ang positive feedback ay ang strength ng trainee; ang negative feedback ay ang mga bagay na dapa i-wasto ng trainee. Dapat uunahin ibigay ang positive feedback, at ang panghuli ang negative feedback. Kung merun mang gawin upang mapabisa pa ang paraan ng pagbibigay ng feedback, ito ay ang pagsasabi ng aktuwal na performance ng trainee kung saan ang tinutukoy na feedback ay pinakita.

10. Did you ask the students to evaluate the session? What did you learn from their evaluation?

I ask the learners to evaluate the session after the ‘institutional assessment’. Here I would know if the learners need more exercise activities, and if they need additional learning methods.

NOTES:

Ang ‘institutional assessment’ ay ang panghuling activity ng training. Pagkatapos magawa ito, magbigay ka ng Evaluation Form sa mga trainees. Dito, ilahad nila kung anu-ano ang tingin nila na dapat ma-improve, palitan o alisin. Ito ay tungkol sa pagtuturo, learning activities, o mga pamamaraan sa pagtuturo. Sa evaluation na ito, magkakaroon ng basehan ang trainer kung ano ang mga gagawin upang lalong mapabuti ang training, sa contents nito at sa delivery.